Isang ginang sa Quezon ang dumulog sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" para sa kaniyang apat na buwang gulang na sanggol na bigla na lang daw nagkakaroon ng dugo sa noo at batok kahit wala namang sugat.

Nang magtungo ang team ng "KMJS" sa Quezon, papabinyagan sana ang bata pero hindi natuloy nang biglang makitaan na naman daw ng dugo ang bata.

ADVERTISEMENT

Ayon sa isang albularyo, mayroong kaluluwa ng babae na humihingi ng katarungan ang gumagambala sa sanggol.

Nang ipasuri ang dugo na nakuha sa bata, lumitaw na tunay itong dugo pero hindi nanggaling sa bata dahil sa iba ang "type" ng dugo nito.

Ngunit nang suriin ng "KMJS" team ang video, may napansin sila nang makitaan ng dugo sa sentido ang sanggol habang hawak ng kaniyang ina.

May misteryo nga bang nangyayayari sa sanggol o gawa-gawa lamang ang dugong biglang lumilitaw sa bata? Panoorin ang video at kayo na ang humusga. --FRJ, GMA News