Masayang naglalaro lang sa labas ng kanilang bahay nitong nakaraang Enero si Ronjhay ng targetin ng mga salaring sakay ng motorsiklo ang isang barangay kagawad sa San Andres Bukid, Manila at kanilang pagbabarilin.

Sa kasamang-palad, nadamay at tinamaan ng ligaw na bala sa puso ang walong-taong-gulang na si Ronjhay na dahilan ng kaniyang maagang pagpanaw.

ADVERTISEMENT

Halos isang taon mula nang magyari ang trahediya, hindi pa rin nakakamit ng pamilya ang hustisya para kay Ronjhay.

Papaano nga ba ipagdiriwang ng inang si Jonalyn ang Pasko, na sa unang pagkakataon ay hindi na niya kapiling ang minamahal na anak. Tunghayan ang video na ito ng "Alisto."



--FRJ, GMA News