Sa kaniyang Instagram post, makikita ang magandang pangangatawan ng Kapuso star na si Kiray Celis na pinusuan ng netizens.

Suot ang yellow bikini, nag-pose ang aktres sa bathtub na mayroong bubble bath.

ADVERTISEMENT

"Thank you so much, @skylove.ph sa aking gold earrings! Sanla after pambayad sa Okada," biro niya sa caption.

"Buti mura-mura magpabook sa @_stay.ca.tion_ ng mga hotel!" patuloy niya.

May larawan din si Kiray habang hawak ang bouquet ng sunflowers na kakulay ng kaniyang swimsuit. — FRJ, GMA News