Isang kabayo sa Mines View Park sa Baguio ang kinagigiliwan ng mga tao dahil sa paghataw nito ng "budots" dance kasabay ng kaniyang mga amo.

Sa ulat ng GMA News TV "State of the Nation" nitong Martes, sinabi ng mga amo ng kabayong si Strawberry na makulit pero maamo ang kanilang alaga na 11 taong gulang na.

Nang magsayaw ang kaniyang mga amo ng buduts, makikita rin ang pag-indayog ng kabayo.


--FRJ, GMA News