"The struggle is real" at napapasigaw sa sakit ang siyam na taong gulang na lalaking si Calvin nang maipit sa zipper ang maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Kaagad namang umalalay sa kaniya ang kaniyang tiyuhin para maalis sa pagkakaipit ang kaniyang ari pero hindi ito naging madali.

Bagaman hindi masyadong napag-uusapan ang mga ganitong insidente sa mga kalalakihan, ngunit lumilitaw daw na madalas din pala itong mangyari.

Katunayan, sinabi ng isang duktor na may insidente na natuklap ang balat sa ari ng isang lalaki nang maipit ito sa zipper at kinailangang operahan.

Papaano nga ba maiiwasan ang ganitong insidente lalo na sa mga batang lalaki at makakawala pa kaya sa zipper ang "birdie" ni Calvin? Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News