Diretsahang sinagot ni Heart Evangelista sa kanilang latest vlog ang matagal nang mga nakakaintrigang tanong tungkol sa kaniya tulad ng pagkakabuntis daw niya noong nasa 20's pa lang siya.

“Definitely, no,” tugon ng Kapuso star.

“But if I had a baby, whether when I was your or whether I was expecting or not, I always believe that a baby is a blessing,” paliwanag niya.

Wala rin umanong katotohanan na ikinasal na siya noon, pero naisip daw niya ito noon.

ADVERTISEMENT

"I did get a ring, but it was just a promise ring. It was shaped like a heart, and they used three diamonds cut to be shaped like a heart--like an illusion diamond," kuwento pa ng aktres na Mrs. Escudero na ngayon matapos ikasal kay Sorsogon Governor Francis Escudero noong 2015.

Wala rin umanong katotohanan na hindi sila natutulog ng kaniyang mister sa iisang kuwarto.

“Of course we share the same room! Minsan minsan na ng lang kami magsama, 'di pa kami magshe-share?,” pahayag ng aktres.

Inamin din ni Heart na naninigarilyo siya noong bata pa siya pero hindi naman siya matatawag na "chain smoker" o malakas manigarilyo.

“But when I got older, I think around 25, I started to become paranoid about my health, and that's when I began to get a little anxious about anything health-related," saad niya.

Nagpaliwanag din si Heart tungkol sa kagustuhan na niyang magkaroon na ng anak. Panoorin ang kaniyang video.


--FRJ, GMA News