Ang mga single na batong-bato na sa dahil walang jowa, puwedeng subukan umakyat sa isang bundok sa South Cotabato kung saan makikita ang isang misteryoso raw na bato na puwedeng mag-request ng magiging "the one and forever."

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, sinabing yumayakap at humahalik sa making bato ang mga single na nais nang maging "taken."

Pero ang pag-akyat sa bundok, para din daw pag-ibig na pa-hard to get dahil nasa dalawang oras ang kailangang lakaran bago marating ang kinaroroonan ng misteryosong bato.

Si Lovely na hindi pa noon nagkaka-boyfriend, nakantiyawan daw ng mga kaibigang nag-hiking sa bundok na humalik din sa bato at mag-request ng nobyo.

ADVERTISEMENT

"Tamang tao sa tamang pagkakataon" daw ang ibinulong ni Lovely sa bato.

At pagkaraan ng dalawang taon, nakilala niya si John na kaniyang naging nobyo at naging asawa na nitong Disyembre.

Pero ang hindi alam ni Lovely, si John pala, umakyat din sa bundok at humalik sa bato, isang buwan lang bago sila magkakilala.

Saan nga ba matatagpuan ang batong ito? Alam sa video na ito ng "KMJS."

--FRJ, GMA News