Sa panayam ng programang "The Boobay and Tekla Show," inihayag ng Kapuso hunk na si Yasser Marta ang tatlong parte ng kaniyang katawan na sa tingin niya ay mas malaki kumpara sa ibang lalaki.

Unang binanggit ni Yasser sa mga host ng programa na sina Boobay at Tekla ang kaniyang paa na nasa 11 hanggang 11.5 inches daw ang laki depende sa brand ng sapatos.

At kapag malaki raw ang paa, karaniwan na rin daw na malaki ang kamay.

ADVERTISEMENT

Nakita naman ni Boobay na nagsasabi ng totoo si Yasser nang ikumpara niya ang kaniyang kamay sa kamay ng aktor.

"Kaya mostly talaga oversized lahat eh," sambit niya.

Nang tanungin kung ano ang pangatlong malaki sa kaniya, sinabi ni Yasser ang kaniyang balikat na makikita naman daw sa tuwing "nagbubuhat" siya.

Kasabay nito, inihayag din ni Yasser kung sino ang Kapuso actress na kaniyang niligawan pero hindi naging sila, at ipinaliwanag din ng aktor kung bakit hindi siya mailap sa mga bading. Panoorin ang buong panayam kay Yasser at Jeric Gonzales sa video ng "TBATS."

--FRJ, GMA News