Aminado si Valeen Montenegro na nakatatanggap siya ng mga puna tungkol sa pagkakaroon niya ng maliit na "dibdib." 

"Shoutout nga pala sa mga mahilig mag-judge at sabihin na ako ay 'flat' or 'nakatalikod.' Sana ay mas malaki na lang 'yung boobs para mas perfect, para mas feminine tingnan.' 'Yun 'yung lagi nilang sinasabi," kuwento ni Valeen sa "Mars Pa More."

Pero para kay Valeen, tanggap niya kung ano ang mayroon siya.

"But, for the record, actually parang first time ko itong sasabihin sa TV. I'm very confident with my 'babies.' I love them how they are."

"Kasi hindi siya hindrance. I mean I'm not saying naman for other people that have bigger boobies than me or nahihirapan, pero I love the way they are and I'm not at all insecure about them," dagdag ng Bubble Gang babe.

Sa kaniyang Instagram, makikita ang fit at toned na pangangatawan ni Valeen na bunga ng pag-aalaga sa kaniyang katawan.

"As in, I'm so confident and I'm so blessed to have this. Kasi feeling ko sakto siya sa lifestyle ko rin," sabi ni Valeen.

Inihayag din ni Valeen ang parte ng kaniyang katawan na kaniyang ipinagmamalaki.

"At saka medyo [bumawi] naman doon sa back side. Sobrang fair ni Lord, binawian Niya ako roon sa back side," saad niya.