Tila may superpowers ang isang binatang artist na "ambidextrous" dahil sa mala-"Wolverine" na estilo ng kaniyang pagdo-drawing. Ang kaniyang mga daliri sa magkabilang kamay, nilagyan niya ng mga ballpen.

Sa programang AHA!,  ipinakita ni Jes Rubantes ang kaniyang obra sa pagguhit ng dalawang larawan mula sa magkabila niyang kamay--na sabay na gumagawa.

ADVERTISEMENT

Bukod sa mukha ng rapper na si EZ Mil, iginuhit din ni Jes ang AHA! host na si Drew Arellano at ang kaniyang misis na si Iya Villania.

Ang "ambidexterity" ay abilidad ng isang tao na parehong magamit aang dalawang kamay sa paggawa ng mga bagay tulad ng pagsusulat at pagguhit gaya ni Jes.

Iilan lang umano ang may ganitong abilidad, at sabi ni Jess, hindi siya isinilang na isang ambidextrous, sa halip ay pinag-aralan niya ito.

Panoorin ang kamangha-manghang talento ni Jes at alamin kung sino ang Kapuso actress na isa ring ambidextrous.

--FRJ, GMA News