Dalawang mananaya ang masuwerteng nakakuha sa winning combination numbers ng Ultra Lotto 6/58 draw nitong Martes ng gabi, Marso 23, 2021, na  may jackpot prize na halos P60 milyon.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na winning combination ay 16-27-08-05-12-23.

Umabot ang kabuuan premyo nito sa halagang P55,975,262.80.

Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49 na ang winning combination ay 34-13-42-06-24-26 at may papremyong P15,840,000.00.

Wala ring tumama sa Lotto 6/42 draw na ang lumabas na mga numero ay 22-21-25-12-31-15  at umabot naman ang premyo sa P51,796,665.20.--FRJ, GMA News