Naka-mechanical ventilation na si dating Pangulong Joseph Estrada matapos na lumala ang kaniyang pneumonia habang nakikipaglaban sa COVID-19,  ayon sa kaniyang anak na si Jinggoy Estrada.

"Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened," saad sa Facebook post ni Jinggoy na dating senador.

"Because of this and the resulting increase in oxygen requirement, his doctors decided to place him on mechanical ventilation. This was done to improve oxygen delivery as well as to prevent the tiring of his respiratory mechanism," patuloy ng nakababatang Estrada.

ADVERTISEMENT

Nanawagan ang dating senador sa publiko na ipagdasal ang mabilis na paggaling ng kaniyang ama.

"My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle. Please continue praying for his immediate recovery," hiling niya.

Sa hiwalay na FB post ng isa pang anak ni Estrada na si dating senador JV Ejercito, inihayag nito kung gaano ka-"unpredictable" ang COVID-19. 

"My dad was recuperating very well the past few days when suddenly it shifted yesterday when his Pneumonia worsened, thus the need to use a ventilator," pagbahagi niya.

Nanawagan din siya na ipagdasal ang kaniyang ama.

Inilagay sa ICU ang dating pangulo nitong Linggo, ilang araw matapos na magpositibo sa COVID-19. —FRJ, GMA News