Dahil sa pag-asikaso sa kaniyang pamilya, napabayaan ni Mae ang kaniyang sarili hanggang sa hiwalayan siya ng asawa. Pero sa halip na magmukmok, nag-isip siya ng paraan kung papaano maibabalik ang kompiyansa sa sarili para na rin sa kaniyang mga anak.

Kuwento ni Mae sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," maaga diyang nakapag-asawa nang umibig sa isang Koreano at nagkaroon sila ng mga anak.

Dahil sa pagtutok sa kaniyang pamilya, napabayaan ni Mae ang sarili at nalosyang.

Bukod pa rito, tutol din sa kanilang pagsasama ang magulang ng kaniyang mister na Koreano.

ADVERTISEMENT

Sa paglipas pa ng panahon, nagkaroon ng problemang pinansiyal ang pamilya at napilitan silang magpunta sa Korea.

Pero habang nasa Korea, inilihim ng kaniyang mister na kasama siya nito.

Hanggang sa tuluyan nang mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Nakaramdam ng depresyon si Mae sa nangyaring pag-iwan sa kaniya ng mister.

Pero sa halip na habambuhay na magmukmok, nag-isip siya ng paraan kung papaano maibabalik ang kompiyansa sa sarili upang makapagtrabaho para sa kaniyang mga anak.

Kaya nang malaman niya na ang tungkol sa isang pa-kontes na cosmetic surgery ang magiging premyo, sumali siya at nanalo.

Tunghayan sa video na ito ng "KMJS" ang buong kuwento ni Mae, at alamin din ang kuwento ni Ralmon na dating tinutukso na "pugo" at "negro" pero ngayon ay ka-look-a-like na ng Korean star na si Park Seo Joon! Panoorin.

--FRJ, GMA News