Malaking tulong ngayong panahon ng pandemic ang ibinibigay na companionship ng mga alagang hayop tulad ng mga aso. Pero dagdag aliw para sa kanilang amo ang mga ipinamamalas nilang ugali gaya ni Rhapso na adik sa panonood ng video.

Ayon sa fur parent ni Rhapso, isang golden retriever, bata pa lang ang alaga niya ay nakitaan na niya ito ng kakaibang pag-uugali dahil mahilig manood ng tv.

ADVERTISEMENT

At nang lumaki na, nakikisilip na rin daw ang aso sa panonood ng video ng kaniyang mga anak sa cellphone.

Mga video na pambata tulad ng cartoons at mga palabas na may mga aso ang paborito raw na panoorin ni Rhapso.

Pero talaga nga bang pinapanood ng mga aso ang nakikita nila sa video? Alamin ang sagot sa episode na ito ng "AHA," at kilalanin ang dalawa pang cute doggie na talent naman ang umarte at marunong daw magtampo. Panoorin.

--FRJ, GMA News