Inilahad ng bagong Kapuso na si Royce Cabrera kung sino ang Kapuso leading man o actor na gusto niyang maka-eksena sa boys' love o BL series.  Puwede nga ba siyang ma-in love sa kapwa lalaki sa tunay na buhay?

Sa "Tunay Na Buhay," sinabi ni Royce na kahit napapanood na siya sa ilang BL projects, conscious pa rin siya pagdating sa mga love scene.

"Kapag po may love scene, or medyo touchy touchy na scene," sabi ni Royce, na inihayag din na ilang beses niyang inisip kung tatanggapin ang isang proyekto na may daring scene na kasama ang kapwa lalaki.

ADVERTISEMENT

Gayunman, nilinaw ni Royce na hindi siya posibleng ma-in love sa kapwa niya lalaki.

"Hindi po eh," sagot ni Royce.

May ilang pagkakataon din daw na nakatanggap na siya ng indecent proposal.

Pagdating sa Kapuso actor na gusto niyang makasama sa isang BL series, sinabi ni Royce si Jak Roberto.

Panoorin ang buong panayam sa video. --FRJ, GMA News