Inihayag nina AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan na plano nilang magkaroon na ng baby ngayong taon.

"May embryo na kami," sabi ni AiAi sa Tunay Na Buhay, na inilahad na 2017 pa sila nagpaplano sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF).

ADVERTISEMENT

Nang tanungin tungkol sa kanilang timeline, "this year!" ang sagot ni Gerald.

Inihayag din nina AiAi at Gerald ang sikreto sa kanilang matatag na relasyon.

"Panalangin, dasal. Nagno-novena kami always, sabay kaming nagno-novena," sabi ni AiAi.

"'Yung madasalin. Kasi ako simula pa lang noong bata, religious na rin talaga ako," sabi rin ni Gerald.

Alamin kung sino kina AiAi at Gerald kung sino sa kanila ang mas sweet, nakakalimot ng monthsary, madalas magselos at nagbabasa ng cellphone ng kaniyang partner. -- FRJ, GMA News