Ang screenshot ng online bank transfer transaction na peke pala ang sinasabing ginagamit na modus ng isang babae para makapambiktima. Pati ang umano'y doktor na nagretoke sa kaniyang mukha, nabiktima rin daw?

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, iisa ang kuwento ng mga naging biktima ng umano'y scammer--isang reservation coordinator, isang negosyante, isang may-ari ng condo at isang cosmetic surgeon--tungkol sa paggamit ng suspek ng pekeng screenshots ng bank transfer.

ADVERTISEMENT

Pero nang maaresto ang suspek, tila nagkaroon ng pag-aalinlangan ang mga biktima dahil nagbago na ang hitsura ng suspek tulad ng pagkakaroon nito ng dimple kahit hindi ngumingiti. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News