Hindi napigilan ni Mav Gonzales na mapaluha nang magtaasan ng boses at magbangayan ang dalawang magkapatid na kakapanayamin niya sana tungkol sa kanilang pagbabati. Pero ang away ng magkapatid, prank lang pala.

Sa "On Record," sumali si Mav sa isang Zoom meeting para kumustahin ang magkapatid na sina Jenny at Janna sa nangyari sa kanilang tampuhan.

Pero na-"shookt" si Mav nang muling magtalo ang magkapatid.

ADVERTISEMENT

"Ms. Jenny, Ms. Janna, gusto ko lang po sabihin na hindi po namin intensyon na pag-awayin kayo on air o magkasakitan kayo or mag-ungkatan ng problema," sabi ni Mav sa magkapatid, na sinubukan  niyang mamagitan.

At nang sabihin na ng magkapatid na "It's a prank!" hindi na napigilan ni Mav na maging emosyonal.

Samantala, sinubukan din ni Mav nai-prank sa isang phone call ang kaniyang On Record partner na si Oscar Oida.

Maging success kaya ang prank ni Mav? Panoorin ang video ng "On Record."

--FRJ, GMA News