Sumuko sa mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagkuyog at pagpatay sa isang lalaking maniningil ng panalo niya sa pusta sa San Andres Bukid sa Maynila.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, kinilala ang suspek na si Ver Celis, na nakunan ng CCTV na sumaksak kay Kenneth Pagulayan.

Matatandaang nag-ugat sa pustahan sa karera ng kalapati ang away ng biktima at mga suspek.

ADVERTISEMENT

Sumuko umano si Sales dahil sa takot at marami na ring pulis ang naghahanap sa kaniya.

Nagtago sa Valenzuela ang suspek bago sumuko.

Nahuli naman si Rodelito Padua, na nakibugbog kay Pagulayan, ayon sa pulisya.

Umamin si Celis sa krimen, habang hindi na nagbigay ng pahayag si Padua.

Kasalukuyang tinutugis ang anim pang suspek, kabilang ang isang menor de edad.

Matatandaan na dumayo si Pagulayan sa barangay ng mga suspek para singilin ang P1,000 na napanalunan niya sa pustahan umano sa karera ng mga kalapati.--Jamil Santos/FRJ, GMA News