Nakipagpulong ang aktor na si John Lloyd Cruz kay GMA Films president and programming consultant to the chairman Annette Gozon-Valdes.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing wala pa munang detalye tungkol sa napag-usapan  ng dalawa.

ADVERTISEMENT

Napanood kamakailan ang pagbabalik ni John Lloyd sa isang TV special kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame.

Sa naturang pagbabalik-telebisyon ng aktor, binati niya si Ms. Annette na noo'y patuloy na nagpapalakas sa bahay matapos makaligtas sa stroke.

Sobra namang na-miss ng fans si John Lloyd matapos siyang mag-leave of absence sa showbiz noong 2017.

Matatandaang nagpaplano si Willie na gumawa ng isang sitcom kung saan magtatambal sina John Lloyd at Andrea Torres.--FRJ, GMA News