Kabilang ang "Eat Bulaga" dabarkads sa mga celebrity na nagpabakuna na ng COVID-19 vaccine.

Sa Instagram, ipinost ni Maine ang ilang larawan niya nang pagpaturok ng bakuna.

"I got my COVID-19 Vaccine!," saad ng actress-tv host sa caption ng nakatutuwa niyang larawan. "Got my first dose! Thank you, MandaVax!"

ADVERTISEMENT

Hinikayat din niya ang mga tao na magpabakuna rin na panlaban sa nakamamatay na virus.

"Do your part and get vaccinated, dabarkads!" saad niya.

 

 

Bukod kay Maine, ang iba pang celebrity na nagpabakuna na ng COVID-19 vaccine ay sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ruru Madrid, Bianca Umali, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Glaiza de Castro, Maris Racal, at Rico Blanco.

Kabilang ang artista sa A4 category na prayoridad na mabakunahan sa larangan ng media at entertainment industry.

Kasama rin sa naturang kategorya ang mga delivery service rider, self-employed, at iba pang manggagawa na kailangan pumasok sa trabaho.—FRJ, GMA News