Taboo o iniiwasang pag-usapan kapag maselang bahagi ng katawan ang talakayan. Pero ang ilang social media influencer tulad ni Toni Fowler, ginawang pa ng video ang kaniyang vaginal tightening treatment.

Marami ang humahanga kay Toni dahil sa pagiging totoo niya at walang itinatago sa mga ginagawang niyang pagpaparetoke sa katawan.

Mula sa mukha, dibdib at balakang, "naipagawa" na raw ni Toni. At ngayon, ang ipinaayos naman niya ang maselang bahagi ng kaniyang katawan para sumikip at kuminis.

ADVERTISEMENT

Sadya raw nagkakaroon ng pagbabago sa maselang bahagi ng katawan ng kababaihan kapag nagkaanak na.

Non-surgical ang proseso ng vaginal rejuvenation kaya walang hiwa na gagawin.

Pero bakit nga ba ito nais gawin ni Toni?

"Naisip ko po na i-try po siya kasi pinaghahandaan ko yung magiging next kong jowa," saad niya. "Para mapa-feel ko sa kaniya yung higpit ng pagmamahal. Ganun, charot!"

Ayon pa kay Toni, hindi naman siya naapektuhan ng mga taong nanghuhusga sa kaniya basta magiging masaya siya sa kaniyang ginagawa.

Papaano nga ba ginagawa ang prosesong ito ng vaginal rejuvenation at papaano nito matutulungan ang ibang kababaihan na may kondisyon sa maselang bahagi ng katawan? Panoorin ang buong video ng "KMJS."

--FRJ, GMA News