Kinumpirma ni Bea Alonzo ang relasyon nila ni Dominic Roque matapos ang mga espekulasyon. Paglilinaw ng aktres, hindi niya naman nais na ilihim ito sa publiko.

Inilahad ito ng aktres sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes.

"It wasn't as if like masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. It just came out naturally," ayon kay Bea.

Hindi man madali na ibahagi niya ito sa publiko, sinabi ni Bea na masaya siya na nagawa niya ito.

ADVERTISEMENT

"It's not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful given my past experience. Siyempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official," paliwanag ng Kapuso star.

"We only live once and happiness is best when shared. I want to share my happiness," patuloy niya.

Ayon pa kay Bea, nag-iingat lang siya dahil na rin sa naging karanasan niya noon.

"Masyado akong careful. I'm afraid magkamali in front of the public eh ganon talaga ang buhay. Minsan nagkakamali, bumabangon ka and then you learn from your mistakes and then you move on," saad niya.

Sabi pa ni Bea, "Even sa past relationships ko, 'di naman ako super open about it. I think most treasured moments ng relationship ay 'yung moments na 'di na-she-share sa social media. I want to keep it that way."

Dati nang naging usap-usapan ang posibleng magandang pagtitingin nina Bea at Dominic, pero lalo itong lumakas nang makita silang magkasabay sa airport nang magbakasyon sa Amerika ang aktres.

Matapos nito, nag-post na ng larawan ang dalawa na kompirmadong magkasama sa Amerika, kasama ang kanilang mga kaibigan.

Kamakailan ay umuwi na ng bansa ang dalawa at naghahanda na si Bea sa kaniyang mga gagawing proyekto bilang isang Kapuso.— FRJ, GMA News