Laking gulat ng isang pamilya sa President Roxas, Cotabato nang mabingwit nila sa ilog ang isang dambuhalang igat o eel.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Miyerkules, sinabing tatlong tao ang kinailangang magtulong para maialis sa tubig ang madulas na Japanese eel na isang dipa ang haba at may bigat na 12 kilo.

ADVERTISEMENT

Kuwento ni Love Gatela, naliligo ang kaniyang pamilya sa Kabacan river sa President Roxas nang maisipan nilang mamingwit ng igat.

Sadya raw maraming igat sa naturang ilog pero hindi nila inakala na isang dambuhala ang kanilang mahuhuli.--FRJ, GMA News