Biglang yaman ng mahigit P120 milyon ang isang mananaya matapos niyang makuha ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Lunes ng gabi, Agosto 30, 2021.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang winning combination ay 07-13-05-25-28-03.

ADVERTISEMENT

 


Mayroon itong kabuuang premyo na P120,063,346.80.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na number combination ay 41-05-19-20-13-42 at mahigit P10 milyon naman ang premyo.--FRJ, GMA News