Mag-iisip ngayon ng pakontes si Willie Revillame para maipamigay ang mahigit 100 motorsiklo sa programa niyang "Wowowin-Tutok To Win."

Layunin nito na makatulong sa mga nais maghanap-buhay gamit ang motorsiklo tulad ng usong-uso ngayon na delivery service.

Pero mahigpit ang paalala ni Kuya Wil sa mga mapalad na mananalo na maging maingat at responsable sa pagmamaneho ng motorsiklo.

Bukod sa motorsiklo, nais din ni Kuya Wil na samahan pa ito ng jacket at helmet. Panoorin.

--FRJ, GMA News