Sa kauna-unahang pagbisita ni Bea Alonzo sa GMA program na "Unang Hirit," inihayag ng aktres ang labis na kasiyahan na isa na siyang Kapuso.

Sa panayam sa kaniya ni Lyn Ching, sinabi ni Bea na nais niyang subukan ang iba't ibang proyekto kabilang ang hosting.

Sinabi ni Lyn na bagay si Bea na maging bahagi ng kanilang morning show.

Ayon kay Bea, gusto niyang subukan ang iba't ibang posibilidad.

"I don't want to put myself in box," saad niya.

Looking forward siya na makatrabaho ang mga Kapuso star--kabilang na si Marian Rivera.

"I actually have a concept in mind. Ikukuwento ko na lang sa mga bosses," masaya niyang sambit niya tungkol sa naiisip niyang concept para sa kanila ni Marian.

Nang tanungin naman si Bea na ilarawan ang sarili bilang isang "lover," tugon ng aktres; "I think I'm a better partner now because I have learned to love myself more, so I have more love to give and the right type of love."

Kamakailan ay kinumpirma na ni Bea ang relasyon nila ng aktor na si Dominic Roque. — FRJ, GMA News