Hindi napigilan ni Bea Alonzo na maging emosyonal nang batiin siya para sa kaniyang kaarawan ni "Mr. M" Johnny Manahan, na isa sa mga nagtiwala sa kaniya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Sa "Mars Pa More," nag-play ang surprise birthday greeting ni Mr. M, na sinabing hindi siya madalas na gumagawa ng mga video greeting.

"Hi Bea! I wish you a happy birthday. Alam mo naman hindi ako gumagawa 'yung mga ganito, but for you, special ka. You're special to me. I hope you had a very nice birthday and very successful career here at GMA. Love you!" mensahe ni Mr. M.

"Mr. M, I love you so much! Alam na alam mo 'yan, super!" tugon ni Bea sa pagbati ni Mr. M.

"For me, kasi siyempre 20 years ago noong kinuha niya ako as his talent, noong wala pang nagtitiwala sa akin at siya pa lang 'yung unang unang nagtiwala sa akin, inaakay niya ako noong mga panahon na 'yun eh," pagpapatuloy ni Bea.

"And ito na, this is one of the biggest shifts in my life, inaakay niya pa rin ako, nandu'n pa rin siya to show his support."

"So it was, for me ha, malaking malaking bagay. I really appreciate it," sabi ni Bea.

Ipiagdiriwang ni Bea ang kaniyang kaarawan sa Oktubre 17.

Opisyal na naging Kapuso si Bea nitong Hulyo 1, 2021, na sinundan ni Mr. M noong Hulyo 13.

Panoorin ang iba pang bumati kay Bea.--FRJ, GMA News