Nangalap ang 'Kapuso Mo, Jessico Soho" ng mga nakakakilabot na kuwento mula sa mga manonood. Kabilang dito ang video ng isang babae na biglang natumba matapos tila may humatak sa kaniyang paa.

Ang isa naman video, may nakitang babae na mahaba ang buhok na sumilip mula sa hagdan na hindi raw kasama ng grupo ng kabataan.

Mayroon ding maitim na mukha na sumingit sa video ng isang bata na naglalaro sa harap ng camera.

ADVERTISEMENT

Sa larawan naman ng isang babae, may lumitaw na mukha ng isang tila lalaki sa likod ng kaniyang buhok.

Viral naman ang video ng isang security guard na nagbabantay sa isang paaralan na nasa likod ng sementeryo.

Sa video kasi, biglang nagsara ang pinto ng isang silid-aralan, at nang kaniyang puntahan ang kuwarto, naggalawan ang mga upuan kahit walang tao.

Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News