Sa pagpasok ng taong 2022, may mga single na naghahanap ng kanilang lovelife o handang maging bukas sa pag-ibig. Ngunit base sa Chinese Zodiac signs, sinu-sino nga ba ang mga susuwertehin?

Sa programang "Unang Hirit," sinabi ng Feng shui consultant na si Jean Chua na kada taon, nagbabago ang “love energy” depende sa animal sign ng isang tao.

Year of the Snake

Ayon kay Chua, kailangang "umistambay" pa rin ang mga ipinanganak sa Year of the Snake dahil sila ay “easily get into arguments or into trouble.”

“So if ever you’ll get into a relationship, kailangan talaga you apply the peace and harmony and the compromising of energy for each other para you can maintain and prolong the relationship,” sabi ni Chua.

Dagdag ng Feng shui consultant, hindi dapat maging sobrang insensitive at emosyonal ang mga taong may zodiac na Snake para mapanatili ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT

Mga compatible sa Year of the Snake ang Ox at Rooster.

Year of the Metal Dragon

Ayon pa rin kay Chua, walang love luck ngayong taon ang mga ipinanganak sa Year of the Dragon.

“So depende sa inyo kung gusto niyo mag-enhance or gusto niyong mag-boost up ng relationship niyo, you can wear some lucky charms or crystals to boost your auras,” ani Chua.

Dagdag niya, ang mga Year of the Dragon ay nakatuon sa kanilang mga career at hindi prayoridad ang pag-ibig.

“If you are going to try to enter into a relationship, you have to give yourself a chance to be open-minded, huwag masyadong very aggressive na 'Kailangan magkaroon ako ng relationship.' Do not give yourself pressure, naturally comes lang 'yung love mo,” sabi ni Chua.

Sa kabila ng hindi pagkakaroon ng lucky stars para sa sumuporta sa Dragon, dapat na magsimula ang mga may Dragon sign sa "self-love."

Ang mga sign na compatible sa Year of the Metal Dragon ay Rat at Monkey.

Iba pang signs na suwerte sa pag-ibig

Samantala, masuwerte rin sa pag-ibig ang mga Year of the Sheep, Ox at Rabbit sa 2022.

"The strength of your love is very lucky and very strong, and mabilis din tayong maka-attract ng good people to love us, not only for a partner, not only for a married couple. 'Yung energy natin si very happy, maganda 'yung aura natin this year," ani Chua.

--FRJ, GMA News