Nahuli-cam ang pag-atake ng snatcher sa isang sasakyan parang makuha  ang cellphone ng biktima sa EDSA southbound lane nitong Huwebes.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, makikita sa kuha ng dashcam ng isang motorista na mabagal ang usad ng mga sasakyan nang sandaling iyon sa bahagi ng Guadalupe.

ADVERTISEMENT

Maya-maya lang, isang lalaki ang tumawid at pinuntira ang isang SUV na bukas ang salamin ng bintana.

Tumalon ang lalaki upang maabot ang bagay na kinuha sa loob ng sasakyan at mabilis na umalis.

Tumigil ang SUV at bumaba ang driver para hanapin kung saan tumakbo ang snatcher.

Ayon may-ari ng video na nakasunod sa SUV, cellphone ang nakita niyang bitbit ng snatcher, at kinumpirma raw ito ng biktima. --FRJ, GMA News