Sinabi ng resident obstetrician-gynecologist (OB-GYN) ng programang "Pinoy MD" na "safe" pa naman daw makipagtalik ang babaeng isang buwan nang buntis pero may kondisyon.

Sa nasabing programa, binigyan-daan ang mga  katanungan ng ilang netizens at kabilang sa mga itinanong ay kung safe pa bang makipagtalik ang isang babae kahit isang buwan na ang kaniyang ipinagbubuntis.

Ayon kay Dr. Raul Quillamor, may mga kailangan na bantayan sa mga buntis na makikipagtalik kahit pa ilan buwan na ang nasa kanilang sinapupunan.

ADVERTISEMENT

"Kung ang isang babae ay [buntis], regardless of whatever month [she's pregnant], kung mayroong complaint na nagsa-spotting, abnormal discharge or sumasakit puson niya nang madalas, puwede namang 'wag na muna makipagtalik sa mga araw na nararamdaman niya 'yon," payo ng duktor.

"(If) during her previous pregnancy, mayroon siyang history ng preterm labor o threatened miscarriage, mas maganda na 'wag munang makipagtalik," dagdag niya.

Sa naunang episode ng "Pinoy MD," sinabi ng psychiatrist na si Dr. Joan Mae Rifareal, na tumataas ang sex drive ng buntis dahil sa hormone na estrogen.

Alamin ang iba pang katungan at sagot tungkol sa pagbubuntis tulad ng "puwede pa bang mabuntis kapag naka-ectopic pregnacy?" Panoorin ang kabuuan ng episode na ito ng "Pinoy MD."

—FRJ, GMA News