Nagkita at nagkakilala nang personal sa unang pagkakataon ang Kapuso star na si Sanya Lopez at ang star player ng De La Salle-College of Saint Benilde na si AJ Benson sa Game On-Sports Studio of Champions.

Sa panayam, ikinuwento nina Sanya at Maxine Medina, alumna ng De La Salle-College of Saint Benilde, ang panonood nila ng laban ng Mapua Cardinals at College of Saint Benilde Blazers sa NCAA Season 97 noong Martes sa St. Benilde Gym sa La Salle Green Hills.

"Sabi yung Benson magaling kaya sa kaniya ako nanonood kanina," ayon kay Sanya.

"In fairness magaling si Benson," sambit naman ni Maxine.

ADVERTISEMENT

Hindi alam ng dalawa, bisita rin sa studio si Benson at doon na nagkakilala ang tatlo.

Si Maxine, nagpakilala kay Benson bilang si "Max," habang si Sanya, nagpakilala bilang si Sanya.

Pero nang hindi agad na-gets ni Benson ang pangalan ng aktres, sinabi muli ni Sanya ang kaniyang pangalan na may hirit na, "Sanya, like lasagna you know."

Nagtawanan sila sa studio at tila na-"break the ice" ang kanilang first meeting para maging komportable ang kanilang pag-uusap.

Sinabi nina Sanya at Maxine na nag-cheer sila para sa Blazers pero natalo ang team sa Cardinals.

Kaya nag-sorry si Benson sa kanilang pagkatalo pero pinalakas naman ni Sanya ang kaniyang loob sa pagsasabing, "There's always a next time."

Pero parang may napansin si Maxine kina Sanya at Benson, at inamin ni Sanya na parang biglang uminit sa studio. Alamin kung bakit sa video na ito ng GMA Sports PH. Panoorin.

--FRJ, GMA News