Mighty fresh at sophisticated ang awra ni "Hipon Girl" Herlene Nicole Budol sa kaniyang official Binibining Pilipinas photo.

Makikita ang larawan sa Instagram ng naturang national beauty pageant at maging sa IG account din ni Herlene.

"Nakakataba lang ng puso makita ko sarili ko nakahelera sa Binibining Pilipinas 2022 Official Candidate," saad ni Herlene sa caption ng larawan.

WATCH: Transformation ni Herlene Nicole ‘Hipon Girl’ Budol
 

ADVERTISEMENT

Muli siyang humiling suporta sa kaniyang fans hanggang sa dulo at nangakong hindi siya magbabago.

"Gagawin ko pinaka best ko para maging proud naman sa akin mga KaFreshness, Kainutz, KaSquammy, KaBudol at mga KaHipon Family ko," sabi pa TV host-actress.

Nag-wish din ng goodluck si Herlene sa mga kapuwa niya kalahok sa pageant na tinawag niyang "Binibini Sisters."

"Siempre gusto ko din e goodluck mga BINIBINI SISTERS ko! Alalayan nyo ako ah. may experience ako sa Barangayan pero once ko lang na chambahan na koronahan at binansag pa ako ng Hipon," pahayag niya.

Kabilang si Herlene sa 40 kandidata na maglalaban-laban sa Bb. Pilipinas. Siya magiging Candidate No. 8 sa naturang pageant.

Pinasalamatan din ni Herlene sa caption ang team na nasa likod ng naturang larawan na sina Mary Letim (makeup), Marky Buenaobra (hair) at ang mga kumuha ng larawan na sina Raymond Saldaña at Owen Suan Reyes.

 

 

Inilabas din ng Bb. Pilipinas sa kanilang social media accounts ang mga larawan ng lahat ng 40 kandidata nitong Lunes.— FRJ, GMA News