Inanunsiyo nina Juan Karlos at model na si Maureen Wroblewitz ang kanilang "maayos" na paghihiwalay.

Sa Instagram, nag-post si Juan ng larawan nila ni Maureen na magkasama at masaya.

Saad ng singer sa caption, "Magka-ibigan na ngayo’y matalik na magkaibigan. Lagi mong tandaan na kahit pagbaliktarin mo man ang mundo, kahit saang lupalop man ng kalawakan, ikaw parin ang nagiisa kong buwan. Maraming salamat, mahal kita, at hanggang sa muli [heart emoji]."

 

 

ADVERTISEMENT


Naglagay ng heart emoji si Maureen bilang reaksyon sa naturang post ni Juan.

May hiwalay na post din si Maureen sa kaniyang IG account na nagsasaad, "Life is not happening to, life is happening for you."

Nilagyan ito ni Maureen ng caption na, "Some things come to an end and that’s okay. but now it’s time for us to grow on our own [heart emoji."

Tumugon sa naturang post si Juan, at inihayag ng mang-aawit ang patuloy na pagmamahal niya kay Maureen.

 

 

"I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with," sabi ni Juan.

"You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will," patuloy niya.

"Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love. Dankëschon, Ich liebe dich and auf wiedersehen," ayon pa kay Juan.

Taong 2019 nang maisapubliko ang relasyon nina Juan at Maureen. Pero 2017 pa lang ay napabalita na ang pagkikita ng dalawa.— FRJ, GMA News