Bukod kay Utah Jazz star Jordan Clarkson, may dagdag na resbak ang tropa ng Gilas Pilipinas para sa susunod na 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers-- ang 7-foot-3 center na si Kai Sotto.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, darating sa bansa si Sotto mula sa Australia sa Agosto18 para maghanda sa pagsabak sa FIBA window na magaganap sa huling bahagi ng Agosto.

ADVERTISEMENT

"We are glad to have Kai into the Gilas fold and thank him for his proactive response to the call to play for flag and country for the August Qualifiers," ayon sa inilabas na pahayag ni SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios.

Makakasama ni Sotto sa tropang Gilas sina Clarkson, Dwight Ramos, Thirdy at Kiefer Ravena, Carl Tamayo, Bobby Ray Parks Jr., Kevin Quiambao, at Francis Lopez.

Una nang inanunsyo ng SBP na inaasahan na darating sa bansa si Clarkson sa August 15.

Makakaharap ng Gilas sa Beirut sa August 25 ang FIBA Asia Cup finalist na Lebanon, at babalik sila sa bansa para naman sagupain ang tropa ng Saudi Arabia sa Mall of Asia Arena sa Aug. 29. —FRJ, GMA New