Isang dekada na ang Halloween Special ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" na "Gabi ng Lagim." Alamin kung papaano nga ba ginagawa ang mga nakakakilabot na episode na ibinibahagi ng mga taong nakaranas umano ng kababalaghan.

Aminado ang host ng programa na si Jessica Soho, na takot din siya sa mga multo at mga kababalaghan. Gayunman, ang naturang paksa ang isa sa mga masarap na pagkuwentuhan at pag-usapan.

Sa ilang episode na itinampok sa "Gabi ng Lagim," may mga hindi maipaliwanag na pangyayari ang naganap habang ginagawa ang ilang istorya.

Kasama ang paranormal investigator na si Ed Caluag, nag-ghost hunting ang KMJS team at hindi nila inasahan ang mga sumunod na nakakakilabot na pangyayari.

MISTERYO: Lalaking walang ulo, nakuhanan ng larawan sa Diplomat Hotel?

Alamin ang kuwento ng Diplomat Hotel sa Baguio na kilala na kabilang sa mga lugar na umano'y may mga kababalaghang nagaganap sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines.

Panoorin ang buong kuwento sa video.--FRJ, GMA News