Sa kabila ng kaniyang pagiging "blooming" at magandang awra ngayon, nilinaw ni Carla Abellana na hindi ito nangangahulugan na maayos na ang kaniyang kalagayan o naka-move on na siya matapos ang hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.

"Actually, ang dali lang din namang sabihin 'yon. Siguro nasanay ako na kahit ano pa ang pinagdadaanan mo, lalo na kasi celebrity, mag-ayos ka, put your makeup on, fix your hair, mag-smile ka in public, you show up, you come to work, nasanay ako," sabi ni Carla sa panayam sa kaniya sa Updated with Nelson Canlas.

"That's why madali para sa mga tao, sa public, na sasabihin na 'Mukhang your happy, you're okay, you're moving forward or moving on.' But really, aminin naman nating lahat, nobody really knows kung ano din naman ang nangyayari sa loob mo, kung ano ang pinagdadaanan mo, especially in an emotional and psychological point of view," dagdag ni Carla.

Para sa Kapuso actress, wala sa pagiging blooming o ganda ng gayak ang mabuting emosyonal na kalagayan ng tao.

ADVERTISEMENT

"Ayoko naman sabihin na, 'Ay oo tama kayo ng nakikita na happy ako, I'm at peace or moving forward.' Kasi hindi naman din necessarily na totoo," anang aktres.

 

 

"There is still a human being behind the smiles, the makeup and all. But I'm glad, at least kahit paano may nakakakita nga na gano'n. But it's not necessarily the case," paliwanag ni Carla tungkol sa kaniyang post na isang babae na nakaupo sa isang ice berg na may malalim na pinagdaraanan.

Sa naturang podcast, natalakay din nina Carla at Nelson ang iba't ibang yugto ng grief o pighati, na denial, anger, bargaining, depression at acceptance.

"Hindi siya chronological... You go back, you move forward, you go back. So medyo magulo siya, hindi pala siya 'yung paakyat or isang direksyon lang. Talagang magulo. Babalik ka sa very start pa nga at some point. Or sometimes you skip a stage or two," saad niya.

Pero sa ngayon, sinabi ni Carla na nasa yugto siya ng "meaning making."

"Ito na 'yung you process everything, hinahanapan mo ng sagot. You educate yourself, you do your research or read, hinahanapan mo na ng mga sagot, kung meron mang masasagot," paliwanag niya.

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 2021. Pero naging usapan ang kanilang breakup noong Enero noong i-unfollow ni Tom si Carla sa Instagram.--FRJ, GMA Integrated News