Nagkahiwalay man, inihayag ni Ashley Ortega na masaya siya para sa kaniyang dating nobyo na si Lucena Mayor Mark Alcala. Gayunman, sinabi niyang wala na siyang  nararamdaman para sa alkalde.

"Pinaglaban ko naman until the very end. But of course we had a mutual agreement, and I respect his decision, and ayoko rin naman ipilit, ayaw naming ipilit sa isa't isa if we know that it won't work. Kasi if we know na it won't work, bakit pa ipaglalaban?" sabi ni Ashley tungkol sa hiwalayan nila ni Alcala sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes.

Para kay Ashley, hindi lahat ng laban sa buhay ay dapat pang ipaglaban.

"That's actually one of the lessons I learned, choosing your battles wisely. Because not every battle is not worth fighting for also, it's just a lesson in life," anang "Hearts on Ice" actress.

Kuwento pa ni Ashley, nagsimulang lumabo ang relasyon nila ng alkalde nang maging abala sila sa kani-kanilang mga trabaho.

"Siguro Tito Boy naging busy kami sa work, and isa sa mga naging problems was 'yung distance. He was in his province, he was the newly-elected mayor. I was busy with work, katatapos ko lang ng 'Widows' Web' noon and then I started training for 'Hearts on Ice,' sa skating. Medyo nawala siguro 'yung connection and communication," pagbahagi niya.

Dahil dito, nauwi ang kanilang relasyon sa hiwalayan.

"It was mutual naman po. We decided to better ourselves individually, mag-focus na lang muna sa career. Ayoko naman na ipilit pa if alam naman namin na mas lalo lang magiging toxic," sabi ni Ashley.

Anim na buwan matapos maghiwalay, hindi na raw nagkausap o nagkita pa sina Ashley at Mayor Alcala.

"When we broke up, we never really saw each other again and we never talked again. I don't if we're friends. But I have nothing against him, I'm not mad at him or bitter at him. But since nga after the break up, we never saw each other," sabi ng Kapuso actress.

Wala na rin daw siyang nararamdaman para sa alkalde.

"Siguro now, it's more of I don't really feel anything towards him, because he's not part of my life anymore. And I'm fine with that," ani Ashley.

"He was part of my life, yes, pero ngayon I was able to move forward and I'm at peace. And I think with him also, he's doing good in his career," patuloy niya.

Nauna nang inamin ni Ashley na hiwalay na sila ni Alcala sa sa media conference ng upcoming series nila ni Xian Lim na “Hearts On Ice.” --FRJ, GMA Integrated News