Ngayong inihayag na ni Klea Pineda na mayroon siyang "rainbow heart," ibinahagi rin ng aktres na mayroon siyang girlfriend na nakilala niya sa Tiktok.

"Nakita ko lang siya sa TikTok and hindi ko ine-expect na meron kaming common friend. And then kinulit ko na 'tong si common friend namin," sabi ni Klea sa latest episode ng "Updated With Nelson Canlas."

"Ako naman magfi-first move and then wala naman akong idea na kung she's into girls ba or wala akong kaide-idea. I'm just shooting my shot kumbaga," dagdag pa ng "AraBella."

ADVERTISEMENT

Matapos noon, naging maayos kaagad ang lahat sa kanila.

"I don't know if sobrang cheesy niya na 'yung feeling sobrang magical na feeling talaga kasi nag-click kami kaagad," anang aktres.

"Sobrang effortless 'yung conversation namin and hindi ko iniisip, hindi ako nagpapanic sa isip ko kung ano 'yung next question na tatanungin ko," patuloy niya.

Sabi pa ng Sparkle actress, na masaya sila sa kanilang relasyon.

"Minsan para kaming magbarkada lang mag-usap, tapos minsan naman sobrang couple namin, kung couple kami sa sweet sweet-an namin," patuloy niya.

Inilahad ni Klea ang kanilang pagiging miyembro ng LGBT community sa kaniyang ika-24 na taong kaarawan.—FRJ, GMA Integrated News