Kinagiliwan ng netizens ang isang aso dahil sa pagiging “g na g” o “maaso-nurin” nito sa mga utos ng kaniyang amo sa Bacoor, Cavite.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapapanood ang ilang video ni Princess na masayang ginagawa ang mga utos kahit na taas-baba pa ito sa hagdan.

@bringmebabies Hindi pa nga ako tapos magsalita Princess ???? #fyp #smartdog #doglover #dogsoftiktok ? original sound - PrincessandChuchay

Sinabi ng kaniyang fur mom na si Faith na sinanay si Princess ng kaniyang kapatid, na dating owner ng aso.

Trick nila kay Princess na bigyan nito ng dog treat matapos gawin ang utos.

Biro ng netizens, mabuti pa ang aso dahil hindi ito umaangal, hindi kagaya ng mga kapatid nila na inuuna pa ang ngalngal. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News