Sinagot ni Bianca de Vera ang tanong kung posible kaya na umibig siya nang sabay sa dalawang lalaki. Inilahad din niya kung ano sa kaniyang buhay sina Dustin Yu at Will Ashley.

"I think so, Tito Boy,” sagot ni Bianca sa tanong nang maging bisita siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, kasama sina Dustin at Will.

“As much as parang gusto kong sabihin na hindi, I don't think hindi mo mapipigilan mo ‘yung puso mo kapag talagang nahihirapan na siya at kung torn na talaga siya at kung talagang hindi ka makatulog sa gabi at dalawa ‘yung iniisip mo because you have to choose," sabi pa ni Bianca.

"I mean you don't have to choose. But you want to choose between the two men," pagpapatuloy niya.

Inilarawan ni Bianca kung ano ang papel na ginagampanan nina Dustin at Will sa kaniyang buhay.

“Dustin to me, I think is, my adrenaline. I think Dustin brings out the best in me that I’ve never discovered before,” anang Kapamilya actress.

Binalikan ni Bianca nang sila ni Dustin ang naging mag-final duo sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

“Hindi po kasi talaga ako masyadong magaling sa physical tasks. But there were times na parang, ang galing ko pala, kasi he was always there to support me.”

Si Will naman, inilarawan ni Bianca bilang kaniyang “pahinga.”

“He keeps me calm talaga, just like Vic. Same lang na he really keeps me steady. Siguro ‘yung calmness ko. ‘Yung peace in the quietness and the moments that we shared. Because with me I feel like as Bianca ang dami-daming nangyayari sa life and ang daldal ko. But when I spend time with him, I see na ‘Okay, that’s also peaceful pala kapag tahimik lang,” paliwanag niya.

Bibida sina Bianca, Will at Dustin sa "Love You So Bad," na official entry sa Metro Manila Film Festival, na tungkol sa love triangle nina Savannah (Bianca), LA (Dustin), at Vic (Will).

Sina Bianca, Will at Dustin ang housemates sa unang PBB Celebrity Collab Edition sa pagitan ng ABS-CBN at GMA.

Nakilala ang duo nina Will at Bianca bilang “Wilca,” at ang duo nina Dustin at Bianca bilang DustBia na mga sikat na fan ships mula sa unang season. – FRJ GMA Integrated News