Ang defending champion sa DC Open na si Leylah Fernandez ang sunod na pagsubok na kakaharapin ni Alex Eala mamayang gabi ng Miyerkoles (oras Pilipinas) sa Washington, DC.

Magsisilbing rematch din ang paghaharap nina Eala at Fernandez sa Round of 16 ng torneo.

Nitong nakaraang Abril, naglaban ang dalawa sa Stuttgart Ope, at namayani si Fernandez, 6-1, 6-4.

Inaasahan na makababawi rin si Eala kay Fernandez, gaya nang ginawa niyang paggapi kay Zheng Qinwen, 4-6, 6-4, 6-1, na una niyang nakalaban sa DC Open.

Dating world No. 4 at 2024 Paris Olympic gold medalist si Qinwen, na tumalo kay Eala sa Hangzhou Asian Games semifinals tatlong taon na ang nakalilipas.

Samantala, nakausad naman ang Canadian na si Fernandez, Pinay ang ina, sa Round of 16 matapos na talunin si Magda Linette, 6-1, 6-4.

Nitong unang bahagi ng July, gumawa nang ingay si Eala sa mundo nang tennis nang patalsikin niya ang defending champ sa Winbledon na si Iga Swiatek ng Poland, sa kanilang sagupaan sa Round of 32.

Gayunman, yumuko si Eala sa sunod niyang laban sa naturang torneo kontra kay Jasmine Paolini ng Italya.

-- FRJ GMA News