Nasorpresa at namangha ang mga residente sa isang bayan sa Northern Algeria matapos nilang makita ang puting bagay na bumalot sa ilang bahagi ng Sahara desert.
Sa ulat ng Reuters, sinabing nakaranas ng malamig na panahon ang bayan na nagresulta ng pagkakaroon ng niyebe o snow sa bahagi ng Ain Sefra sa northern Algeria na bahagi ng disyerto noong Linggo.
Ang Ain Sefra ang gateway sa Sahara desert na ang temperatura ay karaniwang umanong umaabot sa 35 degrees Celsius sa July at August.
Kaagad naman daw natutunaw ang niyebe nang sumikat na ang araw.
Ang Sahara ang itinuturing na pinakamainit na disyerto sa buong mundo. -- Reuters/FRJ, GMA News
