Viral ngayon sa social media ang isang lalaki sa Davao del Sur na kaboses na kaboses ang kilalang American singer na si Karen Carpenter.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Martes, ipinakita ang video habang inaawit ni Rey Yhong Yting sa isa sa mga hit song ni Karen.

Kung nakapikit ang nakakadinig ng pag-awit ni Rey, aakalain mong si Karen ang mismong umaawit.

Napag-alaman na may kakaibang kondisyon sa kaniyang pangangatawan si Rey dahil hindi siya tinutubuan ng balbas at bigote, wala siyang Adam's apple at mayroon din siyang dibdib na pambabae.

Ayon sa ulat, aabot na sa tatlong milyong views ang mga video ni Rey na isang taga-Malalag. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News