Tuwing magse-selfie, laging maingat sa pag-anggulo ang 17-anyos na si Ersan Roxas. Hindi lang dahil sa gusto niyang maging maganda ang kaniyang larawan, kung hindi dahil sa itinago niyang ngipin na tumubo sa loob ng kaniyang ilong. Maaari pa kaya itong maalis? Panoorin.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, sinabing walong-taong-gulang pa lang noon si Ersan nang may nakapa siyang tila bukol na kasing liit ng butil ng bigas sa kaliwang bahagi ng kaniyang ilong.

Hindi nagtagal, tuluyan nang naging ngipin ang nakapa niya sa loob ng ilong na kaniya raw inilihim sa takot na ma-bully.

"Parang tumataas yung parang puti, tapos lumalaki pong butas hanggang sa may lumabas na po na puti, yung nga ngipin," sabi ni Ersan.

Ayon sa doktor, pagtubo ng ngipin sa hindi tamang lugay at ectopic tooth eruption na siyang nangyari kay Ersan. May pag-asa pa kayang alisin ito? Panoorin ang pagtutok na ito ng "KMJS."

(Paalala, maselan ang video)


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News