Bigo mang pababain ang biskwit mula sa kaniyang noo, panalo naman sa pagiging cute ang isang taong gulang na batang lalaki na sumabak sa Biscuit Challenge sa Quezon City.

ADVERTISEMENT

Sa ulat ni Victoria Tulad para sa Unang Balita ng GMA News nitong Biyernes, sinabi ng uploader na kumasa sa hamon ang bibong si Keith Manlanat Rubio dahil aliw na aliw siyang pinapanood ang Biscuit Challenge sa Wowowin.

Makikita sa video na todo-pikit at dila pa si Keith, ngunit kahit anong gawin niya, hindi bumababa ang biskwit.

Bigo sa challenge si Keith, ngunit panalo naman siya sa puso ng mga netizen.

Ang viral video ni Keith ay nasa mahigit na 400,000 views sa social media. — Jamil Santos/RSJ, GMA News