Agaw-pansin sa Naga, Camarines Sur, ang isang pambihirang puno ng saging na kasing taas na ng tao ang habang ng bunga at sumasayad na sa lupa ang puso.
Ayon sa uploader na si Ching Garcia, dahil sa haba ng buwig ng bunga, kinailangan na nilang hukayin ang lupa upang hindi mabali ang puso ng saging.
Kapansin-pansin din na mas malaki ang puso ng saging kumpara sa karaniwang puso na nakikitang ibinebenta sa palengke.
Hindi rin nabanggit ng uploader kung ano ang plano nilang gawin sa saging na ang puno ay nakatanim sa labas ng bakuran ng pinsan ng uploader.--FRJ, GMA News
