Diniskartehan ng isang lolo ang kaniyang pailaw gamit ang isang sanding machine para makalikha ng pagkislap na parang luces sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa ulat ni Rida Reyes sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, makikita ang pa-ilaw ni lolo gamit ang makina at bakal.

Agaw-pansin din ang isang lolo sa Canada, na gumamit ng kaldero para mag-ingay sa Bagong Taon.

Sinabing parang nasa Pilipinas pa rin ang lolo dahil sa old school na paraan ng kaniyang pag-iingay, na tila ipinapakita pa niya sa mga kabataan niyang kasama.

Kinaaliwan naman ang mag-asawang senior citizens sa Pampanga, na hindi nagpahuli sa pagsayaw para sa Bagong Taon.

Makikita pa ang kanilang groovy moves, na bunga ng kanilang active lifestyle na nagbibigay din ng kasiyahan. —Anna Felicia Bajo/NB, GMA News