Kinabiliban ng netizens ang ilang high school students mula sa Eastern Samar na tunog propesyonal nang magrekord sila ng kanilang balitaan sa radyo bilang paghahanda sa sasalihan nilang paligsahan. Ang kanilang video sa Facebook, mayroon nang 4.5 million views.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, maliban sa maganda boses ng mga estudyante na tila beterano sa broadcasting, nilapatan pa ng "scoring" ang kanilang pagbabasa ng mga balita.

ADVERTISEMENT

Ang anim na estudyante na nasa likod nito ay mga Grade 8 to 12 student ng Eastern Samar National Comprehensive High School.

Ayon sa kanilang coach na si teacher Macel  Apura, ang ginawa ng mga bata radio broadcasting piece para sa regional press conference na ginanap nitong December.

Bagaman ang naturang broadcast piece ay practice pa lang, namangha na raw agad ang may-ari ng studio kaya kinunan niya iyon ng video at ini-upload sa social media.

Nabigo ang team na manalo sa kompetisyon, nakuha naman nila ang second place sa technical category, at paghanga ng netizens sa dami ng nanonood ng kanilang video.

--FRJ, GMA News